Welcome to my Etchos World!

Hiii.. This blog is kinda Diary of mine, where i can post/share my opinions, emotions. Etc.. Enjoy lang kayo sa pagbabasa ng 'walang kwentang' nilalaman nito. *baw*

Huwebes, Hunyo 9, 2011

AKO NA LANG LAGI!

Ilang araw ng masakit ang ulo ko sa kaka-iyak.. BAKIT?

Kasi halos lahat na lang pinagtatalunan namin ng nanay ko laging ako ang MASAMA sa kanila. Ako ang MATIGAS ANG ULO. Ako ang Walang kwenta. Ako ang WALANG PAKIALAM!!!!

Nakaka sawa na din yung habang tumatanda ako nagiging Impulsive sila sa mga bagay bagay at nagiging Manipulador na din sa buhay ko.. Sila pumili ng course ko, naalala ko nung 10yrs old ako tinanong ko si mama kung paglaki ko ba hahayaan niya akong pumili ng gusto kong kunin ang sabi niya sakin "Oo naman kasi pag ayaw mo at pinilit ka namin useless din kasi ayaw mo naman nun".Pero bakit ngayon mukang di niya na natandaan yung sinabi niya sakin at sapilitan talaga nilang pinakukuha ang kursong BS MedTech? Habang tumatagal nagiging manipulador na sila di naman na ako bata para di malaman kung saan ako MAS SASAYA! I know that they only want the best for me, but they must also know that im happy with what decision i make.. At higit sa lahat di dapat sila ang unang ko-kontra sa gusto ko ang kaso sila pa ang unang nag di-discourage sakin HOW BAAAAAAAAD! :((((((


Pati sa katawan ko si mama din ang nasusunod una ang tungkol sa pagpapa-gupit ko TINALAKAN NIYA AKO NG BONGGA! Ang haba na ng buhok ko kaya pagpa-pasok ako ng school laging basa na ang blouse ko dahil sa aking mahabang buhok na pagka-hirap-hirap patuyuin kahit blower uma-ayaw.. Hirap na din ako kasi nakaka irita sa school pag ang init init tsaka minsan tumatabing sa mukha ko kahit naka tali na.

Mama ko din ang isa sa mga lagi kong nakaka bangyan sa bahay may mga bagay siyang pina-promise sakin pero di niya ginagawa at kinakalimutan na lang. And she knows how i hate broken promise's :|

YUNG TOTOO HANGGANG KAILAN AKO MAGTI-TIIS? KASI SOBRANG PAGOD NA AKO EH! AYAAAAAW KO NA! DI KO NAMAN KAILANGAN YUNG MATERYAL NA BINIBIGAY NILA ANG KAILANGAN KO... TIWALA AT KALAYAAN!!!!! :(((((((((((((

Walang komento:

Mag-post ng Komento